untitled

WORDS OF WISDOM
minsan sinabi ng isang pantas


Hindi naman masamang maging masaya. Unang-una, inutusan tayo ng Dios na maglingkod na may kasiyahan sa Panginoon - Awit 100:2.


Baka masaya ka lang dahil may syota kayo ngayon. Dapat yung sinasabi ni San Pablo. Gawin ninyo ang lahat sa ikaluluwalhati ng Dios. Dapat masaya tayo dahil ginagawa natin ang kalooban ng Dios.


The desire of the flesh - yan ang nauuna sa kabataan. Yan ang naobserbahan ni Salomon - Ecles. 11:9.


Pero hatol ang darating kung susundin mo lahat ng maibigan ng iyong kalooban, kaya't ilayo mo ang kapanglawan sa iyong puso, at alisin mo ang kasamaan sa iyong katawan: sapagka't ang kabataan at ang kasariwaan ng buhay ay walang kabuluhan. - Ecles. 11:10.


Bakit walang kabuluhan? It is presumed by science to be the most productive years of our lives, from 13-25 years old, we are at the height of our strength, ambitions in life... Bakit sinabi ni Salomon na walang kabuluhan? Ano ba ang nagbibigay kabuluhan sa buhay? -- "Ito ang wakas ng bagay; lahat ay narinig: Ikaw ay matakot sa Dios, at sundin mo ang kanyang utos sapagka't ito ang buong katungkulan ng tao." - Ecles. 12:13.


Yun lang naman ang nagbibigay halaga sa buhay... "Yung tungkulin"

Yung upuan, kaya lang mahalaga dahil nauupuan. Yung damit pag di mo naisuot, kahit mahal, walang kabuluhan kung di mo nagamit. Sabi ni San Pablo, "Datapuwa't hindi ko minamahal ang aking sariling buhay na waring sa akin ay mahalaga, maganap ko lamang ang aking katungkulan, at ang ministeriong tinanggap ko sa Panginoong Hesus -Gawa 20:24.


Ano ang tawag ng Biblia sa di nakakaganap ng tungkulin? Sapagka't sinong nakakaalam kung ano ang mabuti sa tao sa kaniyang buhay, lahat ng mga kaarawan ng kaniyang walang kabuluhang buhay na kaniyang ginugol na parang anino - Ecle. 6:12.


Sa science, ang anino--- Wala yun. It's not either a matter or a spirit. A shadow may occupy space but not weight. Walang naiiwang bakas. Walang Legacy. Pag diyan natin ginugol ang ating buhay, tama ang sabi ni Salomon.

Ok lang maging masaya, kung kaalinsabay nito ay ang pagganap ng kalooban ng Dios. Huwag lamang natin dadahilanin ang gawain para sa laman - Gal. 5:13. Malaya naman tayo. You can do as you wish. Huwag mo lang gagamitin ang iyong kalayaan upang magbigay kadahilanan ang laman. Huwag kayong papares sa lakad ng sanlibutang ito. - Roma 12:2.


"Mag-iba tayo". Kaya nga inumpisahan na natin na walang sigarilyo... walang barkadang masama... at walang alak...


May hula sa Biblia tungkol sa inyo at unti-unting natutupad yon. - Jer 30:19-20.


Sa Biblia, hindi lang utos ang sinusunod, pati yung hula. You must be in the course of the prophecy in the scriptures. Yung kapatirang sa Dios, may mga anak, ang kanilang mga anak ay magiging gaya nang una, at ang kanilang kapisanan ay matatatag sa harap Ko(sabi ng Panginoon).


Tatagan nyo lang mga kabataan, huwag kayong bibitaw! Lahat ng natutunan natin gawin natin at makikita nyo isang araw, masasabi nyo sa inyong mga anak... "Anak ang buhay ko ay hindi ko sinayang..." It will not be too long for you to see the promise of our Lord Jesus Christ. Kaunting panahon nalang. Huwag lang kayo magpapakasama. Hindi baleng nagkakasala, huwag lang natin sasadyaing labagin ang aral... Kayo ang henerasyong makakakita ng pagbabalik ng Panginoong Jesukristo. Kung kayo ay magpapakabuti, you will be the recipient of all the goodness of our God and the coming of our Lord Jesus Christ.

Sana huwag kayong bibitaw. United we Stand, Divided they Fall. Hindi mangyayari sa kabataan sa samahang ito ang bumagsak. Sabi yan ni San Pablo sa -Roma8:30,37-39.


Pagka- nanalangin kayo sa gabi, bago kayo matulog, itangis nyo sa Dios, sasagot ang Dios.

"BAHAGI KAYO NG ISANG GRUPO NA HINDI MATATANGGIHAN NG DIOS!"


Up | Down | Top | Bottom

Report Content · · Web Hosting · Blog · Guestbooks · Message Forums · Mailing Lists
Easiest Website Builder ever! · Build your own toolbar · Free Talking Character · Email Marketing
powered by a free webtools company bravenet.com